Friday, September 25, 2015

When Korea rural tourism become a royal tourism: My Rural Village journey

Dalawang taon na ang nakalilipas nang muling lumapag ang aking mga paa sa paraiso ng Korea. Dalawang taon na nagdaan na parang bang may nawawalang bahagi sa aking munting paglalakbay. Humigit kumulang isang taon ang aking ginugol sa lalawigan ng Busan at ngayon naman ay sa kabisera ng bansa, ang Seoul. Subalit nakakalungkot isipin na sa kabila ng dalawang magandang taong nagdaan hindi ko man lamang nagawang masilayan ang angking natatagong yaman at ganda ng rural na turismo ng Korea. Lubos ang aking pasasalamat sa "2015 Korea Rural Tourism Supporters Program" para sa natatanging programang ipinagkaloob nila sa mga dayuhang mag-aaral sa Korea. Programang nagbukas ng aming mga mata't isipan na ang Korea ay hindi lamang limitado sa mga makabagong teknolohiya at yaong tinatawag na Korean wave bagkos kaakibat ng makabagong generasyong ito ay ang makulay at mayamang tradisyong hindi man lingid sa karamihan ay lubhang ipinagmamalaki ng Korea. 

Noong ika-20 ng Setyembre ang bawat isa sa amin ay nabigyan ng pagkakataon na mabisita ng personal ang isa sa pinagmamalaking rural village ng Korea, ang siyudad ng Yangpyeong at Paju sa lalawigan ng Gyeonggi. Sa naturang paglalakbay na ito kami ay nagtungo sa Soomy Village (수미마을) at Sanmeoru farm (산머루 농원).


Soomy Village (수미마을)

Isang rural village na naglalayon na magbigay ng natatanging programang tiyak na magugustuhan ng mga turistang nais makarais ng buhay rural kahit sa maikling panahon na pagbisita dito. Bawat taon iba't ibang programa ang pinagkakaloob ng Soomy Village, ilan sa mga ito ay ang Strawberry festival sa panahon ng tagsibol, Water festival sa panahon ng taginit, Harvest festival sa panahon ng taglagas, at Kimchi at Wakasagi festival sa panahon ng taglamig

Ilan sa mga pinagmamalaking programa ng Soomy Village ay ang programa kung saan ang bawat bumibisita ay makakagawa ng sarili nilang bersyon ng Korean red bean buns, pagkakataon na makaranas kung paano ang pag-ani ng mga kamote, at maging ang pagsakay sa traktora habang lumilibot sa kabuuan ng lugar.  

Sa kabuuan, ako ay lubos na nasiyahan sa naturang mga experience program. Ang mga programa ay kaaya-aya para sa mga taong nagnanais makaranas ng simpleng buhay sa probinsiya lalo pa na ako ay laking siyudad. Maikli man ang panahon na ginugol ng aming group sa Soomy Village para sa akin lahat ng mga nagnanais na bumisita sa Korea, ang lugar na ito ay isa sa mga dapat mapuntahan. 
  
Saan matatagpuan?
531, Bongsang-ri, Danwol-myeon, Yangpyeong-gun, Gyeonggi-do (경기도 양평군 단월면 봉상리 531)

Paano ang pagtungo?
Gamit ang subway Korea application hanapin ang Gyeonggi Subway (경춘선) at magtungo sa istasyon ng Yongmun. Mula dito sumakay sa taxi (humigit kumulang na sampung minutong biyahe patungong Soomy Village Festival Field

Ano ang kanilang website?
http://soomyland.com

Soomy land official logo
2015 Korea Rural Tourism Supporters at Soomy land
While waiting for the start of steamed red bean buns experience program
2015 Korea Rural Tourism Supporters at Soomy land
While waiting for the start of steamed red bean buns experience program
2015 Korea Rural Tourism Supporters at Soomy land
While waiting for the start of steamed red bean buns experience program
Ingredient for steamed red bean buns (찐빵) -- Red Bean past
Ingredient for steamed red bean buns (찐빵) --  vegetable dough
2015 Korea Rural Tourism Supporters finished product
2015 Korea Rural Tourism Supporters finished product
(our group made this delicious looking steamed red bean buns)
2015 Korea Rural Tourism Supporters finished product
Just because we are creative and imaginative
Just because we are creative and imaginative
So happy to be able to harvest a lot of sweet potato
Me and my delicious sweet potato
My previous sweet potato
Transformer tractor vehicle
Me and Princess during the Tractor ride
Selfie with the tour guide
Simple but very refreshing Soomy restaurant
Our freshly made lunch

Sanmeoru farm (산머루 농원)

Bagamat ito ay tinaguriang farm sa katunayan hindi ito ang tipikal na dipinesyon ng bukid sa Korea. Ang Sanmeoru ay isang katamtamang laking pasilidad kung saan matatagpuan ang ilan sa mga interesanteng experience program na may kaugnayan sa winery at ubas. Bilang isang indibidwal na ang pampalipas ng oras ay ang pagluluto may pagkakataon na gumagamit ako ng wine sa aking niluluto, kaya naman laking tuwa ko ng kami ay nabigyan ng pagkakataon na makapunta dito. Para sa akin lubhang napakasarap ng wild grapes wine na pinatikim sa amin, lalo na yaong sweet wild grapes wine

Para sa mga turistang nagnanais na makaranas ng kakaibang experience, lubha kong inirerekomenda ang lugar na ito. Bukod sa malinis na kapaligiran, mainam din sa kalusugan ang sariwang hangin at paraisong tanawin na matutunghayan sa nasabing establisimento.

Saan matatagpuan?
67-11, Gaekhyeon1-ri, Jeokseong-myeon, Paju-si, Gyeonggi-do (경기도 파주시 정성면 객현1리 67-1번지)

Paano ang pagtungo?
Gamit ang subway Korea application hanapin ang Gyeonggi Subway (경춘선) at magtungo sa istasyon ng Munsan. Mula dito sumakay sa bus 92 patungo sa Terminal ng Jeokseong. Mula sa terminal sumakay sa taxi (humigit kumulang na sampung minutong biyahe patungong Sanmeoru farm)

Ano ang kanilang website?
http://seowoosuk.com

Entrance to Sanmeora winery
Entrance to Sanmeora winery
Inside the Sanmeoru farm winery
Sanmeoru staff pouring wine to the glass wine
Priscilla pouring her wine to the glass
Me while pouring my wine to the glass
Princess with her wine
Machine to put cork in the wine bottle
wine bottle cork
Entrance to Sanmeoru Wine tunnel
Entrance to Sanmeoru Wine tunnel
Inside the Sanmeoru Wine tunnel
Inside the Sanmeoru Wine tunnel
Inside the Sanmeoru Wine tunnel
Princess at Sanmeoru Wine tunnel
Priscilla at Sanmeoru Wine tunnel
 
 
Fierce wine pose
Priscilla imitating the sexy pose of Frienda
Wild grapes
2015 Korea Rural Tourism Supporters on the way to Sanmeoru Farm Experience Hall
2015 Korea Rural Tourism Supporters on the way to Sanmeoru Farm Experience Hall
Outfit of the day
2015 Korea Rural Tourism Supporters jacket and Ahjumma pants (냉장고 바지)
Me with Singaporean supporters
Finished product by Lynette, Priscilla and Princess -- wild grapes chocolate and wild grapes jam
Finished product by Lynette, Priscilla and Princess -- wild grapes chocolate
Wild grapes wine soap molder
Wild grapes wine solution
Soap essential essence and liquids
chopped soap base
wild grapes wine soap
us with our wild grapes chocolate
Our personalized wild grapes wine
wonderful staff who enlightened us of what Sanmeoru Winery is
My personalized wild grapes sweet wine
Wild grapes wine soap
gifts for the day
** PLEASE DO NOT RE-POST MY PHOTOS WITHOUT PRIOR PERMISSION AND NOTICE. THANK YOU. **